Philippines? Kaninong bansa yan? Filipino? Sinong mga Filipino?
Ang bansa natin na tinatawag ngayon na Pilipinas (Philippines) ay itinatag ni King Philip II na nagmula sa bansang Spain. Siya ang nagpalit ng pangalan ng ating bansa.
At dahil sa matagal na pamamalagi ng Kristyanismo o mga Espanyol sa ating bansa, pilit na pinalitan ng mga dayuhan ang ating mga pangalan at apilyedo sa wikang Kastila upang maging isa tayo sa kanila at mabago nila ang ating mga orihinal na pangalan.
Pangalan, kultura, relihiyon, ari-arian at kasaysayan natin ay pilit nilang binago o pinalitan para lamang sa imahe ng kalakasan at pagpapalaganap ng Kristyanismo sa ating Bansa.
Bago pa tayo sakupin ng mga Kristyano o mga Espanyol ang bansa natin ay pinamumugaran ng mga ninuno nating Muslim mula Luzon, Visayas at Mindanao. Ang orihinal na pangalan ng ating bansa ay MAHARLIKA at hindi Philippines, tulad nga ng sinabi ko dahil kay King Philip II kung bakit ang bansa natin ay naging bansang Pilipinas.
At ang Bansa natin noon ay isa ng ganap na Muslim Country tulad ng mga kalapit nating bansa na Malaysia at Indonesia. At ano ibig sabihin ng Maharlika? Saan galing ang salitang Maharlika? Ang salitang Maharlika ay galing sa wikang Malay na ibig sabihin sa wikang Tagalog ay "Kapayapaan."
Ang orihinal na pangalan ng Manila noon bago tayo sakupin ng mga Kastila ay AMANILLAH, saan galing ang salitang Amanillah? Ang salitang Amanillah ay galing sa wikang Muslim o wikang Arabic na ibig sabihin sa wikang Tagalog ay "Nawa'y ang Allah ay Protektahan ka."
Ang Amanillah o mas kilala ngayon sa tawag na Manila ay pinamumunuan noon ng isang matapang na Muslim na si Rajah Sulayman na matapang na pinagtanggol ang lungsod ng Manila laban sa mga Kastila kapalit ang kanyang buhay.
At ang salitang Sebuh (Cebu) naman ay galing rin sa wikang Muslim na ibig sabihin sa wikang Tagalog ay "Bukang Liwayway." Ang Cebu noon ay pinamumunuan naman ng isang napakatapang na pinunong Muslim na si Datu Kaliph Pulaka o mas kilala ngayon sa pangalan na Datu Lapu-Lapu, dugo't pawis ang inalay nya para lamang madipensahan ang isla ng Mactan at Cebu sa mga dayuhang Kastila.
Jawi-Jawi o mas kilala ngayon sa tawag na Tawi-Tawi. Ang Jawi-Jawi ay isang salitang Malay na ibig sabihin naman sa tagalog ay "Malayong Malayo." Ang Tawi-Tawi at ang buong Mindanao noon ay pinamumunuan ng iba't ibang mga Muslim Datu at Sultan na galing sa iba't ibang mga Tribo sa mindanao, tulad nila Sultan Kudarat, Datu Akadir, Datu Taupan, Datu Ali at iba pa.
BATHALA ayan ang sinasamba ng mga ninuno natin noon sa ating Bansa. Ano ibig sabihin ng Bathala? At saan galing ang salitang Bathala? Ang salitang Bathala, Batala o orihinal neto na Bayt Allah ay galing sa wikang Muslim o wikang Arabiko na ibig sabihin ng Bayt Allah ay "Tahanan ng Allah" na katunayan na ang Relihiyong Islam ang unang Monoteismong Relihiyon ng ating Bansa.
MAHARLIKA ayan ang tunay na pangalan ng ating Bansa hindi Philippines. Ang Philippines ay nagmula sa mga Kastila at hindi galing sa atin. Ang salitang Philippines ang nagpapaala sa atin sa pang-aapi ng mga Espanyol. Ang MAHARLIKA ang ating tunay na Bansa, at hindi ang Pilipinas na galing sa pang-aapi ng mga Kastila.
Tayong lahat ay hindi mga Filipino sapagkat hindi naman tayo mga Kastila at hindi naman tayo nagmula sa Pilipinas bagkos nagmula tayo sa Bansang MAHARLIKA hindi Pilipinas. Hindi karapat dapat na tawaging Philippines ang ating bansa at itawag sa atin ay mga Filipino sapagkat hindi naman tayo pagmamay-ari ng mga Kastila at dapat ito'y baguhin.
Sinabi ni Pres. Duterte sa kanyang Speech sa Emilio Aguinaldo shrine in Kawit, Cavite. (June 12, 2018):
“It’s named the Philippines,” he told a crowd last week, “because it was discovered by Magellan using money from King Philip. That’s why, when that stupid explorer came, he named it the Philippines."
At nais muling ibalik ni Pres. Duterte ang orihinal na pangalan ng ating Bansa na bansang Maharlika.
“Because Maharlika is a Malay word,” Duterte said. “And it means more of a concept of serenity and peace.”
Ayan ang mga dahilan kung bakit hindi tinatanggap ng mga Muslim sa Pilipinas ang maging isa rin sila sa mga tinatawag na Pilipino. At kahit si Pangulong Duterte ay hindi nya rin tanggap na tawagin siyang isang Pilipino at tawagin ang ating bansa na Pilipinas sapagkat nga ito'y nagmula sa mga mananakop at hindi sa atin.
At sa kasamaang palad ay niminsan ay hindi ito itinuro ng mga mahal nating guro sa mga iskwelahan. Tulad nga ng sinabi ko noong panahon ng mga mananakop ay binura nila ang ating Kasaysayan sa isip nating lahat. Kasama doon ang Pangalan ng ating bansa at ating orihinal na Relihiyon.
Ang mga ka-musliman lamang sa ating bansa ang nakakaalam sa TUNAY na kasaysayan nating lahat sapagkat ang mga Muslim sa ating bansa ay hindi kasama sa mga nasakop ng mga dayuhang Kastila.
#maharlika