Brahmos Supersonic Missile


BRAHMOS SUPERSONIC MISSILE MULA INDIA NA NAKATAKDANG DARATING SA PILIPINAS, “STILL ON TRACK”-ENVOY

“Still on track”. Ito ang inihayag ni Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran sa paghahatid ng BrahMos Supersonic Missile sa Pilipinas.

Ito ay sa likod ng unang inilabas na balita na darating na sa Pilipinas ang missile sa buwan ng Disyembre ngayong taon.

“We are broadly on track. I am not sure if it would be exactly next month but we are on track,” sambit ng opisyal.

Kanya ring tinukoy ang unang pahayag ni dating Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang supersonic missile ay magpapalakas umano sa Philippine Military. 

Matatandaan noong 2022 ay pinirmahan ni Lorenzana ang $375 million katumbas ng P21.03 billion na kontrata sa pagbili ng Indian-Made Brahmos Medium-Range Ramjet Supersonic Cruise Missiles na nagkakahalaga ng P18.9 billion.

Sa ilalim ng kontrata, makakukuha ang Pilipinas ng tatlong missile batteries na binubuo ng mobile autonomous launchers at tracking systems.

Maaaring paliparin ang naturang cruise missile mula sa mga warship, fighter jet, submarine at land-based defense equipment.

Pwede ring kargahan ng warheads ang BrahMos at may kakayahang tamaan ang target sa layong 300 kilometers. ###

Via CNN Philippines
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored