PHILIPPINE CAT SNAKE, NASAGIP SA TAYABAS CITY 🐍
TINGNAN: Nasagip ng mga tauhan ng Tayabas DRRMO at Tayabas City Environment and Natural Resources Office (ENRO) ang isang uri ng Philippine Cat Snake o Boiga Philippina sa isang bahay sa Barangay Wakas, Tayabas City, Quezon.
Ayon sa ulat, namataan ang nasabing ahas na nakapulupot sa isang halaman at posible umanong naghahanap ng mapagpapahingahan.
Tinatayang nasa 6 na talampakan ang haba ng nasabing ahas.
Ayon naman sa mga eksperto, may kamandag din ang ganitong uri ng ahas ngunit kadalasang ginagamit lamang nila itong pangdepensa sa mga kalaban o sa kaniyang prey.
Nai-turn over na ang ahas sa Tayabas ENRO upang maobserbahan bago ito ibalik sa natural niyang tahanan.
Source/Photo: Tayabas City ENRO
#Philippines
#Quezon
#TayabasCity