The LPA FAR EAST OF MINDANAO IS NOE A TROPICAL DEPRESSION


LPA SA SILANGAN NG MINDANAO, ISA NANG BAGYO ⚠️

Ang Low Pressure Area (LPA #95W) sa malayong silangan ng Mindanao ay isa nang minor Tropical Depression, ayon sa JMA. Inaasahan itong lalapit sa bansa sa huling bahagi ng linggong ito. Patuloy na babantayan kung ito ay tatama sa kalupaan o magrerecurve. 

➡ Ang minor Tropical Depression ay tinatayang nasa ~1,900 kilometro sa silangan ng Mindanao ngayong umaga at halos hindi gumagalaw. Ito ay MALAYO at wala pang epekto sa anumang bahagi ng bansa ngayong weekend. 

➡ Kung sakaling kilalanin na rin ng PAGASA sa mga susunod na araw, ang susunod na pangalan ng bagyo ay #KabayanPH. 

➡ Patuloy na ipinapakita ng mga weather model na posible itong lumakas pa at lumapit sa silangang bahagi ng Pilipinas sa huling bahagi ng linggong ito. 

⚠️ Simula sa Miyerkoles o Huwebes, ang shear line at trough ng nasabing sama ng panahon ay maaaring magpaulan na sa silangang mga bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

⚠️ Nananatiling HATI ang mga weather model sa magiging pagkilos ng sama ng panahon sa mga susunod na araw. Hindi pa tiyak kung ito ay magrerecurve lamang, didikit sa silangang bahagi ng Luzon bago magrecurve, o tatawirin ang kalupaan ng Pilipinas. Ito ay patuloy na babantayan. 

⦿ Bukod sa posibleng sama ng panahon, ang paglakas ng #amihan sa mga susunod na araw ay magdudulot rin ng maulang panahon sa hilagat at silangang mga bahagi ng bansa. 

ℹ️ Ito ay base sa ating mga nakalap na datos mula sa PAGASA, JMA, JTWC at iba't iba pang mga weather model. Patuloy na inaabisuhan ang lahat na maging updated sa magiging lagay ng panahon at iwasang magpakalat ng mga impormasyon patungkol sa posibleng landfall, dahil marami pang magiging pagbabago. 

TROPICAL CYCLONE QUICK UPDATE
PANAHONKONEK
11:00 AM PhST | 12 November 2023

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored