300 na Piraso ng taklobo, nasabat sa busuanga, palawan


300 NA PIRASO NG TAKLOBO NASABAT 
SA BUSUANGA, PALAWAN! 

Aabot sa 300 pirasong taklobo na tumitimbang 3,000 kilo ang nadiskubre ng mga otoridad sa dalampasigan ng Dipulonggit Island, Barangay Concepcion, Busuanga, Palawan nitong ika-4 ng Abril, 2024.

Sa ikinasang operasyon ng Coast Guard Intelligence Group Palawan (CGIG-PAL), Coast Guard Command Outpost Concepcion (CGCOP), Palawan Council for Sustainable Development Wildlife Enforcement Office (PCSD-WEO), PNP Maritime Group, at Barangay Officials ng Brgy. Concepcion ay matagumpay na narekober ang mga daan-daang piraso ng fossilized giant clam shell o taklobo.

Kasalukuyan ng iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing insidente at nakatakda namang isailalim sa kostodiya ng LGU Concepcion ang mga nasabat na taklobo.

📷 PhCoastGuard
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored