NAPAKALAKAS NA BUHAWI, NANALASA SA AMERIKA!
Isang malaking buhawi ang nanalasa sa ilang bayan ng #Nebraska at #Iowa, USA nitong Biyernes ng hapon o Sabado ng umaga sa oras ng Pilipinas. Nagdulot ito ng matinding pinsala na sinabayan pa ng malakas na ulan at hailstorm o pag-ulan ng yelo.
Ang buhawi ay nabubuo sa isang SUPERCELL na galing sa SEVERE THUNDERSTORM. Posible itong magdulot ng malawakang pinsala dahil sa napakalakas na hangin na dala nito na posibleng umabot ng 400 km/h, mas malakas pa sa Category 5 SUPER TYPHOON.
Ngunit kahit matindi ang naiwan nitong pinsala, maswerteng walang naiulat na namatay sa mga bayan na naapektuhan ng malaking buhawi.
📸: Thomas Hinterdorfer, Adam Orgler