Natagpuan ang bangkay ng biktima noong April 18 sa isang madamong bahagi malapit sa Angat River sa Barangay San Pedro matapos ang ilang araw na paghahanap mula nang maiulat itong nawawala noong April 11.
Sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon at serye ng hot pursuit operations, matagumpay na nadakip ng mga awtoridad ang mga suspek sa loob lamang ng 48 oras mula nang matagpuan ang mga labi.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga pulis ang apat na suspek at nahaharap sa kasong rape with homicide sa Bulacan Provincial Prosecutor's Office habang tinitiyak ng pamunuan ng PRO 3 ang pagkamit ng hustisya para sa biktima.
Sources: Police Regional Office 3 (PRO 3), Noel Padua Gomez, Bulacan News Agency
