April 22, 2026
0
Anim na magkakamag-anak ang nasawi matapos tupukin ng apoy ang kanilang tirahan sa Zone 2, Barangay Nancayasan, Urdaneta City, Pangasinan nitong madaling araw ng Lunes, Abril 20.
Ayon sa ulat ng BFP, nagsimula ang sunog bandang alas-2:00 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang mga biktima, dahilan upang ma-trap ang mga ito sa loob.
Kabilang sa mga nasawi ang dalawang bata na kapwa 11-anyos, dalawang babae na may edad 72 at 59, at dalawang lalaki na edad 45 at 42.
Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa dalawang bahay bago ito tuluyang naapula ng mga bumbero bandang alas-4:49 ng umaga.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong sanhi ng insidente.
Source: Bureau of Fire Protection - Urdaneta City/Biong D Jerymmie
Tags
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.
Ads partner
SPONSORED
Ads sponsored
✖
💰 DollarZine
Turn your free time into extra income
✔ Simple Tasks
✔ Watch & Earn
✔ Daily Rewards
✔ Referral Bonus
Closing in 10s
Start Earning Now (FREE)
sponsored
✖
💰 DollarZine
Turn your free time into extra income
✔ Simple Tasks
✔ Watch & Earn
✔ Daily Rewards
✔ Referral Bonus
Closing in 10s
Start Earning Now (FREE)