Ayon sa ulat, may rutang Molino–Paliparan ang kanilang libreng sakay upang makatulong sa pang-araw-araw na biyahe ng mga Caviteño. Bukod dito, namahagi rin ang grupo ng libreng lugaw sa lansangan bilang dagdag na tulong sa publiko.
Layunin ng nasabing inisyatibo na maibsan ang gastusin at hirap sa transportasyon ng mga residente sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pamasahe.
📷: Jeffrey Pakingan Campaña