SUPER EL NIÑO NAGBABANTA

  Maaaring tamaan nang Super El Niño ang buong mundo simula sa ikatlong quarter ngayong taong 2026 hanggang sa 2027. 

Sa pinakahuling forecast ng European Centre for Medium-Range Weather Forecasts (ECMWF) at nang mga eksperto, natukoy nila na ang tubig sa equatorial Pacific Ocean ay maaaring lumagpas sa 2.5°C above normal kaya lumalakas ang tsansa na magkaroon ng super El Niño. 


Nagkakaroon ng El Niño kapag ang sea surface temperature ay tumataas ng 2.0°C hanggang sa 2.5°C ngunit ayon sa forecast ngayong taon ay posibleng lumagpas pa ito sa 2.5°C. 

Nawawala ang ihip ng hangin sa Pasipiko kaya ito ang nagdudulot ng matinding init sa ibabaw ng dagat. Nababawasan din ang mga kaulapan kung kaya ay nagdudulot ito ng matinding tagtuyot sa kalupaan, lalo na sa mga sakahan. 

Ayon sa naitala ang pinakamalakas na El Niño ay nangyari noong 1997 hanggang 1998 at naulit ito noong 2015 hanggang 2016. 

Habang wala pa ang nasabing phenomenon ay mas maiging paghandaan na po nang ating pamahalaan ang posibleng epekto nito lalo na sa sektor ng agrikultura. 

Source: Weather News 24/7

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Ads partner

SPONSORED

Ads sponsored

sponsored