Nagpahayag si suspended Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kaugnay ng naiulat na ₱18.2 trillion na kabuuang utang ng Pilipinas—ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng bansa.
Sa kanyang Facebook post, kinuwestyon niya ang direksyon ng pamamalakad sa ekonomiya at ang tila patuloy na pagdepende sa pangungutang bilang solusyon.
Ayon kay Barzaga, “₱18.2 trillion—pinakamataas na utang sa kasaysayan ng Pilipinas. Utang na lang ba talaga ang solusyon kapag walang malinaw na plano?”
Ang pahayag na ito ay bahagi ng lumalawak na usapan tungkol sa fiscal strategy ng gobyerno at kung paano nito hinaharap ang mga hamon sa ekonomiya.