WALA NG BUHAY NA LOLA NA NATAGPUAN SA LIBLIB NA LUGAR SA PAMPLONA, NAKILALA NA

WALA NG BUHAY NA LOLA NA NATAGPUANG SA LIBLIB NA LUGAR SA PAMPLONA, NAKILALA NA

Nagulat ang may-ari ng isang taniman sa barangay Del Rosario, Pamplona, Camarines Sur ng kanilang maabutan kaninang umaga ang nakahandusay na isang lola sa tabi ng mga binunot na damo.


Ayon sa may-ari ng lupa ng makausap ng Boses nin Banwaan, posibleng ang matanda rin ang nagbunot ng mga damo sa kanyang taniman at posible rin na doon na ito natulog magdamag dahil naubos ang tubig na nakalagay sa plastic bottle na maaaring ininom ng lola.


Agad na tumungo sa lugar ang mga tauhan ng Pamplona MPS at ilang sandali pa positibong kinilala ang matanda na ito ay ang nawawalang si Josefina ng barangay Santa Cruz, San Fernando, Camarines Sur na anim na araw ng nawawala.

Positibong kinilala ito ng kanyang mga kapamilya sa barangay Santa Cruz.


Siya ang ipinost din sa page na ito matapos na magmessage ang maraming nakakakilala sa kanyang na ipinakiusap na maipanawagan ang missing person.

At ngayon na natagpuan na siya, ngunit nakakalungkot na wala na siyang buhay, ito po ang post muli upang mabigyan ng update lalo na ang mga tumulong, nagdasal at nagshare sa mga nakaraang panawagan.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored