READ: Bicol Region, posibleng tamaan ng isang malakas na lindol—anumang oras; ayon ito sa isang eksperto.
ℹ️ Posibleng, mula Magnitude 5 hanggang Magnitude 7 na Lindol ang posibleng tumama sa katubigan ng #PhilippineTrench — sa may silangan ng #Catanduanes. P'wede itong mag-resulta sa isang #Tsunami.
ℹ️ Posible rin na mangyari ang isang Magnitude 5 o 6 na Lindol, sa katubigan ng #CamarinesSur, #Albay, #Sorsogon, at #Masbate — dahil sa pag-galaw naman ng 'Philippine Fault Line System'.
ℹ️ P'wede rin gumalaw ang mga local fault, lalo na sa probinsiya ng Albay dahil sa 'San Vicente-Linao Fault at Legazpi Lineament.
🟪 Mahigit sa lagpas na 5M+ ang posibleng maapektuhan, kung mangyari man ang isa sa mga lindol na 'to.
📣 WHAT DO WE NEED TO KNOW:
• Philippine Trench - East of Bicol Region
• Philippine Fault Line System - West of Bicol Region
• Local Faults - from Camarines Norte to Masbate
📣 WHAT SHOULD WE DO:
• Ihanda ang inyong mga Go Bags, kung sakaling pupunta sa mga Evacuation Center o mas ligtas na lugar.
• Tingan ang tibay ng iyong bahay, i-check kung may mga bitak-bitak na dahil — oras na lumindol ay babagsak biglaan ang iyong bahay
• I-monitor ang inyong bahay, kung ito'y malapit sa isang fault line system — dahil kapag malapit ang iyong bahay sa fault line system; posibleng mas maapektuhan ang iyong bahay
• Kapag lumindol — gawin ang Duck, Cover, and Hold para hindi ma-bagsakan ng kung ano ang iyong ulo
• Laging maging alerto, handa, at huwag mag-panic — dahil sa isang taong alisto at handa, tiyak ang iyong buhay ang mai-sasalba sa anumang sakuna
Manalangin tayo na huwag itong mangyari, ngunit wala namang mawawala kapag tayo'y mag-handa. 🙏
The Bicol Bulletin | #EarthquakePH
ℹ️: USGS, DOST-PHIVOLCS, and University of Washington