BBNHS SA DAGUPAN CITY, NAGWAGI BILANG WORLD’S BEST SCHOOL SA ENVIRONMENTAL ACTION CATEGORY

BBNHS SA DAGUPAN CITY, NAGWAGI BILANG WORLD’S BEST SCHOOL SA ENVIRONMENTAL ACTION CATEGORY


 Tila labis ang galak ng mga guro ng Bonuan Buquig National High School (BBNHS) Dagupan City, Pangasinan matapos hirangin bilang World’s Best School sa Environmental Action Category ng T4 Education kung saan makakatanggap ang mga ito ng $50,000 na may katumbas na higit ₱2.9 million.

Mula sa 10 shortlisted schools sa buong mundo, nakuha ng BBNHS ang unang gantimpala sa pamamagitan ng kanilang Ilog Ko, Aroen Ko (Ilog ko, Pangangalaga Ko): mangrove tree planting project na nakatulong sa pag-rehabilitate ng Longos River matapos itong masalanta ng Bagyong Pepeng noong 2009.

Sa naturang kompetisyon ay nahigitan ng BBNHS ang International School of Zug at Luzern ng Switzerland at ang Green School of Bali sa Indonesia bilang top finalists sa Environmental Action category.

Matapos ilunsad taong 2010, pinapanatili ang IKAK project ng mga nagdaang punongguro ng BBNHS. Sa hinaharap ay isinasagawa ang mangrove tree planting activity ng dalawang beses kada taon, kung saan itinatanim ang mga fruit bearing at shady trees at nakapaglunsad na rin ng pananaliksik pangkalikasan. 

Ayon sa DENR, nakapagtanim na ang paaralan ng 50,000 mangrove trees sa Longos River na nagbigay ng kabuhayan sa komunidad.


“To our dear BBNHS Team Bakawan Philippines, we have gone this far only driven and powered mostly by passion and the community. We promise to continue this endeavor of environmental action until our last breath,” ani ni BBNHS School Head Dr. Renato Santillan sa naganap na awarding ceremony.

Samantala, upang mapanatili at mapalawak ang programa, pinaplano ng paaralan na ilaan ang napanalunang halaga sa pagtatayo ng sariling nursery para sa mga punla ng mga mangrove at iba pang mga puno para sa buong lungsod ng Dagupan.

Pagpupugay sa mga guro at mag-aaral ng Bonuan Buquig National High School! Proud kami sa inyo mga Kabaleyan!

Source: DepEd Philippines
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored