Rescue vehicle ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Kabugao, Apayao, nasangkot sa isang vehicular accident sa national highway ng Roma Norte, Enrile, Cagayan.
Nagtamo ng multiple injuries ang driver at pasahero ng naturang sasakyan at agad na isinugod sa Saint Paul Hospital para sa kaukulang atensyong medical.
Ayon sa post ng "Discover Kabugao", ang opisyal ng FB page ng Kabugao LGU, isang buwan ng nasa pagawaan ang MDRRMC rescue vehicle at nagsagawa lamang ng test-drive ang mekaniko at driver nito upang ma-check ang naturang sasakyan nang mangyari ang aksidente.
Agad namang nilinis ng Enrile Fire Station personnel ang tumagas ng langis at remnants mula sa nagkabanggaang sasakyan upang maiwasan na magkaroon ng panibagong aksidente dulot ng madulas na kalsada.
Photo Courtesy: Enrile FireStation Cagayan