Daan-daang big bikers ang inaasahang magtutungo sa Philippine Military Academy (PMA) parade grounds sa Baguio City sa Sabado, Disyembre 2, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ibinubuwis ang kanilang buhay sa pagprotekta ng demokrasya at soberenya ng bansa.
Iba’t ibang motorcycle clubs mula sa iba’t ibang sulok ng bansa ang magtutungo sa PMA kung saan sasalubungin sila ng Superintendent ng military academy na si Lt. Gen. Rowen Tolentino. Naimbitahan din sa okasyon sina Sen. JV Ejercito, AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr., Philipine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at retired PNP chief Gen. Dionard Carlos.
Sasamahan din ng mga riders mula sa civilian sector ang mga sundalo sa “boodle fight” bilang pagpapakita ng kanilang pagkakaisa sa kanilang ipinaglalaban.
“This is just a reminder for all Filipinos to embrace the spirit of patriotism at all times. Nawawala na kasi ang pagiging ‘makabayan’ ng mga Pinoy,” giit ni Gabriel. (Photo courtesy of Jan Sy)
#Pilipinas
#Philippines