Kailangan Palagi kang Positive, Happy lang - Empoy


'KAILANGAN LAGI KANG POSITIVE, HAPPY LANG'

Hindi maitago ng entertainment writer at tv writer na si Aster Amoyo ang kanyang mga tawa sa panayam nya sa komedyanteng si Empoy na tila puro katatawanan ang sagot sa TicTalk with Aster Amoyo sa YouTube.

Isa si Piolo Pascual at si Empoy ang mga tinetreasure ng aktres na si Alessandra de Rossi ayon ke Aster, natanong nya kung ano ang trato ni Emoy sa aktres, pabirong sagot ni Empoy na katulong raw dahil kamukha ito ng yaya ng pamnagkin nya, ngunit bumawi rin naman ang komedyante sa huli.

"Love na love, sobrang love na love ko yan si Alex, totoong tao kasi sya,sobrang prangka, sobrang... lahat ng talatitak talaga walang hahanapin sa kanya hindi mo na sya hahanapan ng kung sino sya eh, yun sya kung anong makita nya sa'yo, sasabihin nya, yun talaga sya at mabuting tao si Alex, iba sya sa ibang mga nakasama ko". - paglilinaw ni Empoy.

Payo rin ni Empoy na maging masayahin lagi at huwag seryosohin ang problema,"tawanan mo lang lagi yan, ang tao kasi kung ano iniisip mo yun ang mangyayari, kailangan lagi kang positive, i claim mo lagi anong mapupunta sa'yo, kung anong magkakaroon ka, happy lang". 

Photo by TicTALK with Aster Amoyo (YouTube channel)
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored