Base sa ulat ng militar, sumuko ang mga terorista matapos mapatay ang tagagawa ng bomba ng ASG na nakabase sa Sulu na si Mundi Sawadjaan sa isang engkwentro sa tropa ng gobyerno noong Sabado. Umaasa ang militar na hindi magtatagal at maidedeklara nang ganap na libre ng ASG ang Basilan.
Para kay Brig. Gen. Alvin Luzon, 101st Infantry Brigade commander, ang pagsuko ng 12 ASG members ay dulot ng kampanya ng pamahalaan sa pamumuno nina Governor Jim Hataman-Salliman, Hadji Mohammad Adjul ng municipal government at Hadji Shams Al-din Ahaddin ng Moro Islamic Liberation Front Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH)-Basilan.
#Pilipinas
#Basilan