Binigyang-diin ni Sen. JV Ejercito sa Pilipinas Today ngayong Huwebes, Disyembre 7, na ilang social media personalities na may media following ang binabayaran umano ng China upang impluwensiyahan ang pananaw ng publiko kaugnay ng agawan ng teritoryo ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
“I have to be clear, nung panahon ni President Duterte, isa po akong supporter dahil sa Build Build Build (projects). Isa po ako po sa mga nagdedepensa ng mga projects niya. And more than 20 years na po kaming magkaibigan. My respect and (our) friendship has not changed,” paglilinaw ni Ejercito sa ugnayan nila ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
“Ang hindi ko masikmura ay ‘yung ilang supporters niya na pro-China… 'yung mga (taong) kayang ibenta ang ating bansa. Hindi baleng i-bash n'yo 'ko nang i-bash, dahil alam ko pong tama ang aking ipinaglalaban,” diin ni Ejercito.
#Philippines
#Pilipinas
#JVEjercito
#StrictlyConfidential