Erpat ni Liza, Minura si Ogie?


ERPAT NI LIZA MINURA SI OGIE: 'BUMALIK KA SA PAGTITINDA NG TURON!'

Pinagmumura ng ama ni Liza Soberano na si John Soberano ang dating talent manager ng anak na si Ogie Diaz at ang kolumnistang si Cristy Fermin.

Sa burado nang Facebook post, kinastigo ni G. Soberano sina Ogie at Cristy sa pakikialam umano ng mga ito sa buhay ng iba.

Nagbanta pa siya na magla-live stream para isiwalat ang mga nalalaman sa dalawa.

Sa hiwalay na post, na burado na rin, pinababalik ng ama ni Liza si Ogie sa pagtitinda ng turon at lumpia.

"Para yang bunganga mo hindi putak ng putak about other people's business...ang isigaw mo na lang TURON LUMPIA...diba jan ka rin nag umpisa?" anas nito.

Hindi naman pinalagpas ni Ogie ang mga panlalait ni G. Soberano.

“Ang pinag-uusapan na ngayon at pinag-uusapan ng buong mundo ay 'yung pagtatapos ng relasyon ng KathNiel, asan ka doon, asan ang anak mo doon?” sambulat ni Ogie sa kanyang online talk show na "Showbiz Update."

Nagtataka rin si Ogie kung bakit may hanash ang si John sa KathNiel break-up gayong tahimik ito noong naghiwalay ang anak kay Enrique Gil.

(ctto; Showbiz Update/YouTube)
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored