Matandang chikadora at tinaguriang Pambansang Marites na si Cristy Fermin, o kilala rin sa tawag na Cristy LUCIFERmin, nag-iwan ng mensahe kay Karla Estrada matapos pasinungalingan ng TV host ang kanyang talak na hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
“Dumaan po kaming tatlo sa isang maurirat na tandang pananong ng publiko. ‘Heto kayo, nagbabalita kayo ng mali, nang walang katotohanan’—na ang naging pasimuno ay si Karla Estrada.
“Ako talaga, ang pag-asa ko, kahit pagbintangan n’yo kami, lalabas at lalabas ang katotohanan kahit na anong pagtatakip pa ang ating gawin. At heto na nga, tayo ay isinalba sa kahihiyan, una, ni Kathryn Bernardo at ni Daniel Padilla.
“Ngayon, ang dami nating natatanggap na mensahe: ‘Ano ngayon ang masasabi ni Karla Estrada?
“Kaya nga sabi ko, nung sabihin niya na tayo ang sinungaling, hindi man direkta, sino ngayon ang sinungaling?
“‘Yung palabasin mo na sinungaling ang mga tao na nakakaalam ng katotohanan, dapat ay hindi mo ginawa. Mas maganda nga na nagpakatotoo ka na lang eh.”