LOOK: TVJ, ipinaabot ang pagmamahal sa Unkabogable Superstar na si Vice Ganda, sa It’s Showtime, at sa ABS-CBN!
Naganap ang media conference ng E.A.T. para sa pagkakakansela ng trademark registration ng TAPE, Inc. sa brand na “Eat Bulaga”.
Dahil sa pagkakabor sa TVJ ng Intellectual Property Office o IPO, natanong sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon kung gagamitin na ba kaagad nila ang pangalang “Eat Bulaga”.
Sagot ni Tito, hahayaan nilang umapela ang TAPE, Inc. dahil ito ang nakasaad sa batas.
Hirit naman ni Joey, “Hindi n’yo napapansin, ano? Maya nangyayari sa kasaysayan. Ngayon lang nangyari na magkalaban ang prehong show sa telebisyon. Dalawang Eat Bulaga ang naglalaban.
“‘Yung It’s Showtime, hindi n’yo napupuna? May ‘eat’ ‘yun—‘it’s’. Nakikisali pa. Mas mahal namin ‘yon. Hi, Vice! Love namin ‘yon. Basta ABS-CBN, love ko.”