Isang motorsiklo ang nasiraan mag-a-alas-dos ng madaling araw sa talahiban ng Baranggay Sapang-Bayan Calumpit, Bulacan. wala kana halos maaninag sa daan dahil sadyang madilim ang daanang iyon, naghintay ang magkasintahan ng kung sinong tutulong, 'di nila alam ang gagawin dahil tila tumirik at umusok pa ang motor.
Kuliglig at tuko lamang ang naririnig nila noong mga oras na iyon ng biglang may narinig si Johanna, narinig n’ya ang mga kaluskos sa talahiban at parang may sumisigaw na babae na tila binusalan ang bibig. sinundan nila ang nasabing hagulgol pero wala silang makitang taong naroon, hanggang sa biglang may sumigaw na babae, napatakbo si Johanna at yumakap sa kasintahan nitong si Alfred, kinalabutan ang dalawa dahil sa paglamig bigla ng hangin.
Agad ng sumakay muli ang dalawa sa motorsiklo at pilit na pinaaandar ang nasirang motor at ng biglang bumukas ang ilaw ng motor nasilayan nila ang babaeng puno ng dugo ang leeg sa kanilang harapan, agad namang umayos na ang lagay ng motorsiklo at sa takot ng dalawa tila nakapikit na itong pinaandar ang motorsiklo na hindi nililingon kung nasaan ang babaeng duguan.
Sa sumunod na mga araw, dalawang batang lalake ang nagpapalipad ng saranggola, habang hinahabol nila ang nanlalabang saranggola sa hangin, napunta ang dalawa sa bahagi ng palayan ng may tubig, hanggang sa mapatid ang pisi ng saranggola at bumaksak ito sa palayan.
Kinakain na ng dilim ang palayan dahil sa dapit-hapon, hanggang sa lumubog ang paa ng isang bata sa maputik ng tubigan ng palayan, Sabi ni Carlo, tulungan sya nitong umahon sa putik dahil naipit ang paa nito, habang hinihila s’ya ng kanyang kaibigang si Kiel sinabay nito ang pananakot dito, dahil kung nasaan daw sya ngayun ay s’ya mismo daw na lugar kung saan natagpuan ang bankay ng isang babae, walang anu-anoy bigla nalamang sumulpot ang isang nakasubsob na katawan ng babae sa tabi nito at halos mangiyak ngiyak si Carlo sa takot, sa sobrang taranta naiahon nya ang ang paa mula sa pagkakalubog at sabay silang kumaripas ng takbo na di nililingon ang tubigan.
Isa naman insidente ng minsa'y dumaan ang isang Emilyn sa parehong lugar, bigla na lamang s’yang nakarinig ng iyak ng babae at tila humihingi ng tulong, pinilit nyang hindi intindihin ang himig na naririnig nya, hanggang sa panaginip dinalaw s’ya ng babaeng ito, sa panaginip nasaksihan nya ang ang mga lalakeng gumahasa sa kanya, isang kalunos-lunos na tagpo na biglang naging bangungot.
Nang s’yay magising, agad na nagpadasal si Emilyn sa lugar kung saan nakita n’ya ang babae, ngunit nagpatuloy parin ang himig ng pagluha nito, sa tuwing mapapadaan si Emilyn naroon parin ang babae sa lugar kung s'an sya itinapon. nagtirik muli ng kandila si Emilyn sa ikalawang araw kasama ng kanyang mga kaibigan ngunit tila nakatingin lamang sa kanya ito at wala ng anumang salitang namumutawi sa kaluluwa ng dalaga, habang nagdarasal sila nararamdaman nila ang paglamig at ng paligid.
Ang mga pangyayaring ito ay ilan lamang sa pagpaparamdam daw ng isang babae sa talahiban ng bukirin sa Sapang-Bayan. May isang dalaga ang pinaslang at binabuy sa lugar, kaya humingi ng pahintulot noon si Emilyn sa pamilya nito kung pweding kausapin ito sa pamamagitan ng kanyang kakayanan makipag-usap sa mga pumanaw, pinilit na isinasara ni Emilyn ang kanyang Third Eye ngunit tila may gustong ipahiwatig ang pagpaparamdam sa kanya nito at mukhang namumukhaan ni Emilyn sa kanyang panaginip ang mga salarin.
Agad ng tumanggi ang pamilya na gawin ito, sa halip pinayuhan na ipagdasal na lamang daw ang pinatay na dalaga at ‘wag ng gambalain ang kaluluwa nito, nasalubong nito ang kanyang ama hinawakan n’ya ito balikat, ang sabi ni Emily mahal na mahal sya ng kanyang anak, naiyak na lamang ang ama nito at nagwika na sanay kung bibigyan s’ya ng pagkakataong makasama muli anak 'di s'ya madadalawang-isip na ito’y gawin. bigla na lamang may isang mariposa na dumapo sa balikat n'ya ng mga oras na iyon. Ilang araw ang nakalipas, nabalitaan na lamang ng lahat na pumanaw na ang ama ng dalagang pinatay na tila sumunod sa kanyang anak.
Nagpaparamdam pa rin ang babae na laging tila may tinatanaw sa kabukiran na puno parin ng lungkot at pag-iyak. pilit mang kausapin ni Emilyn ang dalaga ngunit unti-unti nang humihina at nawawala na ang boses nito at di na s'ya kunikibo, kasabay na tinatangay ng hangin at naglalahong parang bula.
Minsan, hindi natin inaasahan na magkaroon ng misteryo ang isang lugar, nagkakaroon ng munting kababalaghan na nagdudulot ng takot. Ayon sa mga eksperto sa ganitong bagay kung saan nangyari ang isang krimen, namamalagi ang mga kaluluwa ng namatay o pinatay, hindi sila makakaalis sa lugar o dimesyong iyon hanggat hindi nila nahahanap ang liwanag at pagtanggap sa kanilang pagkawala o ang katarungan sa kanilang pagkamatay.
Totoo man o hindi ang mga nabanggit ng mga saksing taga-Sapang-Bayan, sana'y hindi balutin lamang ng katatakutan ang pagkamatay nito. Sana ang lugar din yao’y magsilbing gabay tungo sa katarungang matagal ng hinahangad ng lahat.