Bruno Marz, kamag anak nina Ruffa at Richard Gutierrez?


BRUNO MARS, KAMAG-ANAK NINA RICHARD AT RUFFA GUTIERREZ? 

Mula sa kilalang angkang ang pamilya ni Eddie Gutierrez, Ang Lola ni Eddie sa Father side ay ang Filipinang si Doña Maria Paz Atayde-Gutierrez at ang Lolo naman nito ay ang mayamang Español na si Don Antonio Rogelio del Ocampo Gutierrez. Nagkaroon sila ng apat na anak at isa roon ay ang kanyang tatay na si Antonio Gutierrez Jr. na napangasawa ni Mary Rufina Pickett. 

Naging kasintahan ni Eddie Gutierrez si Liza Lorena at nagkaroon sila ng isang anak, ito ay si Tonton Gutierrez na napangasawa ng aktres na si Glydel Mercado, si Ramon Christopher naman ang naging anak ni Eddie kay Pelita Corrales, ngunit sa huli, ang naging asawa nito ay si Annabelle Rama at nagkaroon sila ng anim na anak. 

Ilan sa mga anak ni Eddie kay Annabelle ay gumawa ng pangalan sa Showbusiness, kagaya ni Ruffa na dating Miss World 2nd Runner up, at kambal na sina Raymond at Richard Gutierrez. Samantala, Apo ni Eddie Gutierrez si Janine Gutierrez na anak nila Ramon Christopher at Lotlot de Leon. 

Si Richard Gutierrez naman ay kinasal naman sa aktres na si Sarah Lahbati at mayroon na silang dalawang anak. Isa sa pinakamayaman naman sa Turkey ang ama nila Lorin at Venice, na dating asawa ng kanilang inang si Ruffa.

Ang ina ni Eddie Gutierrez na si Mary Rufina Pickett ay anak nila John Thomas Pickett na isang Canadian at Jesusa Herranz, na anak ng Filipinang si Dońa Mamerta Cañazares at Español na si Don Mariano Herranz.

Kapatid ng Lola Jesusa ni Eddie, si Consolacion Herranz na napangasawa ang Filipino na ang pangalan ay Jesus Maria Bayot, Nagkaroon sila ng tatlong anak, isa roon si Eugene Bayot na naging asawa ng Pinay na nagngangalang Soledad San Pedro, nagkaroon sila ng pitong anak, isa roon si Bernadeth Bayot. 

Si Bernadeth Bayot ay nakapang-asawa ng isang musikerong Puerto rican, ito ay si Peter Hernandez at nagkaroon sila ng anim na anak, si Bernadeth at Peter ang mga magulang ng sikat na mangaawit na si Bruno Mars.

3rd Cousin nila Ruffa, Ramon Christopher, Tonton, Richard at iba pa, si Bruno Mars.
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored