Mga Bulkan sa Laguna


BULKAN, KALIWA'T KANANG NAKAPALIBOT SA PROBINSYA NG LAGUNA 🌋

LOOK: Napakaraming BULKAN ang nakapalibot sa probinsya ng #Laguna, mula matataas na bundok kagaya ng Mt. Malepunyo, #MtMakiling at #MtBanahaw, hanggang sa maliliit na lawa kagaya ng Bunot Lake, Sampaloc Lake sa #SanPablo, Yambo at Pandin Lakes, at ang Tikub Lake na na-feature kahapon sa #KMJS.

Parte ang mga bulkan na ito sa Macolod Corridor, na isang grupo ng NAPAKARAMING bulkan, na kasama na rito ang #TaalVolcano at ang mga parte ng Laguna Volcanic Field. Kaya matabang ang lupa ng Laguna ay dahil sa patuloy na paglabas ng abo noong sumabog ang mga bulkan nito noong mga unang panahon.

Nananatiling inactive na ang mga ito sa ngayon, at ang presensya ng maraming mga HOT SPRINGS sa probinsya ay isang palatandaan na mayroong mga bulkan na sabay-sabay natutulog sa ilalim ng mga lawa at bundok na ito.

Source: Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), Smithsonian Institution
https://volcano.si.edu/volcano.cfm?vn=273060

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

SPONSORED

sponsored