Aabot sa 7 ang bilang ng mga indibidwal ang nagtamo ng sugat sa bumagsak na bahagi ng kisame sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)


 Aabot sa 7 ang bilang ng mga indibidwal ang nagtamo ng sugat sa bumagsak na bahagi ng kisame sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 nitong Biyernes, Abril 3, 2026. 

Ayon sa mga lumabas na ulat nitong Biyernes, agad na nabigyan ng atensyon medikal ang mga indibidwal na nagtamo ng sugat sa naturang aksidente. 

Agad namang naglabas ng pahayag ang Department of Transportation kaninang alas-2 ng tanghali at sinabi nilang nagbaba na sila ng direktiba sa Manila International Airport Authority (MIAA) na makipag-ugnayan sa mga private operator ng NAIA terminal 1 para maimbestigahan ang hindi inaasahang pangyayari.

“The Department of Transportation (DOTr) has directed the Manila International Airport Authority (MIAA) to closely coordinate with the private operator of NAIA, the New NAIA Infra Corp (NNIC), to immediately investigate the incident involving the collapse of a portion of the ceiling at the arrival extension area of Terminal 1 today, April 3,” pagsisimula nila. 



Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

sponsored