‘NAPAKASAKIT PO NA I-CANCEL NG BUYER’ 🥺🖼️
Viral ngayon sa social media ang kuwento ng isang deaf-mute artist mula Davao City na biglang kinansela ng kliyente ang pagbili sa kanyang commissioned eagle painting.
"Napakasakit po na i-cancel ng buyer ang pina-commission na [eagle paintings],” ani Dan Paul Gonzales sa kaniyang post.
Kwento ni Gonzales, makikipagkita sana siya sa kanyang kliyente sa isang mall sa lungsod nitong Disyembre 18 ngunit hindi sumipot ang buyer.
Tinulungan naman siya ng isang kaibigan ng kapatid ni Gonzales at binili ang dalawa niyang painting sa kabuuang P11,500.
📷 Dan Paul Gonzales